Lumaktaw sa pangunahing content

SEN. PACQUIAO, ALA-MVP ANG TIKAS NG LARO SA DUBAI





Nagpasiklab sa isang exhibition basketball game si Pambansang Kamao at Sen. Manny ‘ Pacman’ Pacquiao na idinaos sa Hamdan Sport Complex, Dubai, United Arab Emirates. Ang siste kasi, kahit na natalo ang kanyang team na MPBL Executives sa Dubai DJ MC All- Stars, 99-96 sa overtime, nagtala ang current WBA superwelterweight champion sa pagbuslo ng 35 puntos.

Nagtala rin si Pacman ng three-pointers na katumbas ng 9 na puntos sa kabuuan ng kanyang 35. Kung kaya, nagmistulang pang-MVP ang laro  ng eight-time world division boxing champion. Sa nasabing laro, kakampi ng Fighting Senator si dating PBA player at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes. Tuwang-tuwa naman ang mga Pinoy fans dahil ang lakas ng loob na sumalaksak ang founder at  Chief Executive Office ( CEO)  ng MPBL  sa court.


It’s always a humbling experience to play in front of my Kababayans,” saad Pacquiao,
Na nagbigay ng $3,000 (Dh11,000) reward sa nanalong team.

We came here to entertain them more than anything and I hope we were able to do so. I’m very thankful for their warm welcome and to the government of Dubai for their great hospitality.”

“Earlier, I told them to just enjoy this special moment of playing against Senator Manny Pacquiao. But when the opportunity presented itself, the guys gladly took it. This victory made the hosting sweeter for us,” pahayag ni Dunstan Rozario, chairman ng main organisers DJMC Events.

Kaugnay dito, nakabawi naman ang MPBL team ni  Pacquiao sa kanilang pagkatalo sa unang laro sa Dubai All-Stars. Kung gumawa siya ng 35 points sa unang laro, mas hinigitan ng boxing champion ang kanyang puntos dahil kumamada siya ng 42 puntos sa paggapi ng MPBL sa Dubai All-Stars 107-107.

 “It’s been a great weekend for us,” Pacquiao said. “I really enjoyed competing against my Kababayans here in the UAE. Thank you to everyone who came and supported us.”aniya.
 “It’s an honour to have Senator Manny back here in Dubai. And we look forward to future collaborations with him. Expect a bigger and better show next year,” saad naman ni Rosario.


Ang Dubai Invasion 2019, ay ang kauna-unahang  MPBL event na idinaos sa Middle East.
Itinatag ang liga noong 2017 kung saan mula sa 10 koponan ay umabot na ito ngayon sa 31. Ang MPBL ay isang semi-professional basketball league hindi gaya sa Philippine Basketball Association ( PBA) na pro league.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...