Kagila-gilalas na
inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan
kuno sa isang kakatwang nilalang. Ito kasi ay kalahating-tao at kalahating
buwaya. Ito ay may mukha ng tao at may katawan ng tao. Ngunit, pagdating sa
ibaba, o kalahati nito, ay gaya ng katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang
pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon.
Ito ay may habang 8 na talampakan ayon kay Dr.
Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist na gumugol na ng 48 taon sa
naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp
kasama ang 6 sa kanyang six graduate students. Katulad aniya ito kay “Jake
The Alligator Man” sa Longbeach, WA.
Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga Natchez Indians ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe. Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon ay pumirmi sa sapa kung saan naninirahan ang naturang kakatwang nilalang ay pinagbabawalan ang kanilang mga anak o apo na kapag naglunoy sila roon o naligo, kakainin sila ng “De Gator Man”.
May napaulat ding mayroon pang mas malaki rito na tinatawag na ‘Crocodile Man’ mula sa bansang Australia. Nang isagawa ang naturang pananaliksik dahil sa kuryusidad, nakita ng mga estudyante ni Dr. Henry Blythe ang naturang nilalang at mapalad naming nakunan nila ito ng litrato. Nang makita sila ng naturang nilalang na nagpapahinga sa gilid ng swamp, dali-dali itong kumaripas ng usad patungo sa tubig.
Anila, mahina na
at payat ang naturang alligator man.Kaya umano naglalabas sa lungga niya ang
naturang nilalang ay dahil sa polluted na ang tinatahanan nito at marumi na rin
ang tubig. Nang malaman ang balita, maigting ang paghahangan ng mga opisyales
sa Louisiana Wildlife Officials na mahuli ito. Ngunit, hindi na nila ito
nakita. Kayo, na niniwala ba kayo sa mga rebelasyong ito? 'O ito at bunga
lamang ng isang mapaglarong imahinasyon at manipulasyon?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento