Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang Zionchillers, hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama sa kanilang EP Album na “Silver Silver Fantasy”.
Pero, dahil sa pagpupunyari, sa wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album.Sa ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019 sa digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo sa achievement na kanilang natamo.
“ Una, nagpapasalamat tayo sa Panginoong Diyos dahil sa tagumpay na ibinigay Niya sa amin. Sa lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanilla ng Indie Pinoy, Manny Tocol ng Beatols Brotherhood, Ferdinand Aguilar, Melvin Robles, sa Kantahan Na Program at iba pa. Next chapter na uli, bagong lulutuing album,” pahayag ng frontman ng banda na si Raven.
Ang Zionchillers ay binubuo nina Julius Caesa Gajasan ( lead guitar), Renato Aricheta ( bass/ back-up vocals), Kasffer Austria Taruc ( drums) at Emerson Gorne ( lead 2/ back-up vocals) at Ravenson Biason ( guitar/ vocals). Sa ngayon, nagpapaplano ang grupo na simulan nang buuin ang mga kanta sa kanilang second album.
KA-INDIE ARTIST, RAMIL M. ODIAS
(“Ang Pangaral”--- Awiting Para kay Nanay”)
“Ang Pangaral" --- ay pangaral sakin ng nanay ko na hanggang ngayon nasa puso ko pa at patuloy ka pa na iginagalang at iniingatan. Sa gayun ay aking maging gabay sa buhay.
Ngayon ipinapangaral ko naman sa mga anak ko at sana dahil sa kanta na "Ang Pangaral"--- ay marami pa ang makapakinig at mapangaralan na mga kabataan---at sa side naman ng mga magulang. Huwag po sanang magsasawa sa pagpapaalala at panganngaral sa kabataan para maging gabay nila hanggang sa paglaki nila.”
“Kabataan sa buong mundo
igalang ang pangaral ng magulang mo
Darating ang araw malalaman mo
ikaw ay karangalan ng magulang mo
Dahil ang pangaral ng magulang mo
Gabay patungo sa kinabukasan mo”
‘Yan ang mensaheng hatid ng awiting likha ng musikerong si Ramil M. Odias. Sa nabanggit na pamagat ng awiting “ Ang Pangaral”, ang kanyang ina ang nagsilbi niyang inspirasyon. Na ang mga pangarap ay dapat nakaukit sa puso ng mga anak--- isang kuwintas na dapat isuot sa leeg. Parang kadenang naka-tanikala upang maging gabay kahit saan magpunta. Upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Si Ramil na tubong Matalom, Leyte ay kumita ng unang liwanag noong Enero 14, 1972, na ngayo’y nanunuluyan sa lungsod ng Malabon. Ang ka-indie musikerong ito na markado sa kanyang iba’t-ibang tema na putahe sa paglikha ng mga awitin--- ay nag-aral sa Matalom National High School. Marami na rin siyang nalikhang awitin kabilang ang “Ang Pagluha”, “LDR” at “Di Mag-iiba”.
Nice one Zionchillers. Gusto ko mga songs nyo.
TumugonBurahinSana may bago kayong album sa 2020. Aabangan ko Yun.
TumugonBurahinSalamat sa iyong magandang comment iho.
Burahin