Lumaktaw sa pangunahing content

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)





Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang Zionchillers, hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama sa kanilang EP Album na “Silver Silver Fantasy”
Pero, dahil sa pagpupunyari, sa wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album.Sa ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019 sa digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo sa achievement na kanilang natamo.
“ Una, nagpapasalamat tayo sa Panginoong Diyos dahil sa tagumpay na ibinigay Niya sa amin. Sa lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanilla ng Indie Pinoy, Manny Tocol ng Beatols Brotherhood, Ferdinand Aguilar, Melvin Robles, sa Kantahan Na Program at iba pa. Next chapter na uli, bagong lulutuing album,” pahayag ng frontman ng banda na si Raven.
image.png
Ang Zionchillers ay binubuo nina Julius Caesa Gajasan ( lead guitar), Renato Aricheta ( bass/ back-up vocals), Kasffer Austria Taruc ( drums) at Emerson Gorne ( lead 2/ back-up vocals) at Ravenson Biason ( guitar/ vocals). Sa ngayon, nagpapaplano ang grupo na simulan nang buuin ang mga kanta sa kanilang second album. 
 KA-INDIE ARTIST, RAMIL M. ODIAS
(“Ang Pangaral”--- Awiting Para kay Nanay”)

Inline image 1

“Ang Pangaral" --- ay pangaral sakin ng nanay ko na hanggang ngayon nasa puso ko pa at patuloy ka pa na iginagalang at iniingatan. Sa gayun ay aking  maging gabay sa buhay. 

Ngayon ipinapangaral ko naman sa mga anak ko at sana dahil sa kanta na "Ang Pangaral"--- ay marami pa ang makapakinig at mapangaralan na mga kabataan---at sa side naman ng mga magulang. Huwag po sanang magsasawa sa  pagpapaalala at panganngaral sa kabataan para maging gabay nila hanggang sa paglaki nila.”

“Kabataan sa buong mundo


igalang ang pangaral ng magulang mo

Darating ang araw malalaman mo

ikaw ay karangalan ng magulang mo

Dahil ang pangaral ng magulang mo

Gabay patungo sa kinabukasan mo”


‘Yan ang mensaheng hatid ng awiting likha ng musikerong si Ramil M. OdiasSa nabanggit na pamagat ng awiting “ Ang Pangaral”, ang kanyang ina ang nagsilbi niyang inspirasyon. Na ang mga pangarap ay dapat nakaukit sa puso ng mga anak--- isang kuwintas na dapat isuot sa leeg. Parang kadenang naka-tanikala upang maging gabay kahit saan magpunta. Upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Image may contain: 5 people, people smiling, people standing

Si Ramil na tubong Matalom, Leyte ay kumita ng unang liwanag noong Enero 14, 1972, na ngayo’y nanunuluyan sa lungsod ng Malabon. Ang ka-indie musikerong ito na markado sa kanyang iba’t-ibang tema na putahe sa paglikha ng mga awitin--- ay nag-aral sa Matalom National High School. Marami na rin siyang nalikhang awitin kabilang ang “Ang Pagluha”, “LDR” at  “Di Mag-iiba”.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

NOEL BERNALDO (Paglaot at Paglipad sa Larangan ng Musika) 1

Namulat ako sa revolution era dahil taong 1977 ako ipinanganak. Lumaki ako na napakikinggan kong music ay revolution music din tulad ng Asin, Heber Bartolome at Freddie Aguilar---At marami pang iba kung saan sumasalamin sa totoong nangyayari sa buhay natin.Mahirap lang kami. Karpintero ang tatay ko. Labandera at nagluluto ng kanin ang nanay ko--- anim pa kaming magkakapatid.” “My influence in continue to grow because of my brothers they used to borrow guitar from our neighbors tuwang-tuwa ako ‘pag kinakanta nila ang "Almusal" .  Kasi yun ang totoong kinakain namin.Sabi ko, masarap maggitara. Gusto ko, magkaroon nun balang araw.During elementary years, nangangariton ako. Bote,dyaryo pandagdag baon. Matagal kong ginawa yun. Siguro mga 3 years hanggang sa maka-graduate ng elementary.In that time, feel na feel ko yung kantahin ang "Kuya bente dos anyos na ako.Kaya ko na ang magsolo".” Pakiramdam ko, matured na ko although 12 yrs.old lang naman ako nun--- b...

MGA LIHIM SA PLANETANG SATURN

Ang planetang Saturn ay siyang planeta sa ating sistemang solar na may singsing sa palibot nito. Kaya naman, ipinagtataka noon ng mga nagdaang astronomo kung bakit ito lamang ang planeta na may singsing sa palibot. At ang matindi, ito ay parang mga string ng gitara na nahilira sa isang mas malaking ring. Ngunit, nitong mga nagdaang dekada, natuklasan na rin sa planetang Jupiter, Uranus, at Neptune na may singsing din. Pero, mas angta ang ganda ng Saturn kumpara rito. Noong 1610 , pagkatapos na ma-diskubre ni Galileo Galilei ang planetang Jupiter gamit ang sariling imbentong teleskopyo, pagpihit niya nito sa bandang tinugan ay natuklasan niya ang pambihirang planeta. Namangha si Galileo. Aniya, walang kagayang planeta sa taglay na kagandahan ng Saturn dahil sa singsing nito. Sa pag-unlad pa ng ika-17 siglo sa larangan ng optics, mas lalong naging detalyado pa ang hitsura ng naturang planeta kapag tiningnan sa teleskopyo. Ninais ni Galileo na sabihin sa bawat tao ang kan...

MGA PUMALPAK NA DOOMSDAY PROPHECY

Noon pa man ay hinuhulaan na ng mga kinauukulan ang katapusan ng mundo. Sapol pa noong unang siglo ay hinulaan na ng ilan ang magaganap na katapusan ng daigdig. Pero, nangyari ba? Hindi. Pero, ito ay may kinalaman lamang sa pagbabagong nagaganap sa singsing ng planetang Saturn na nagdudulot ng masamang kaganapan sa earth. Ang mga awtoridad kasi na mga ito ay naghahayag ng propesihiya upang ituring silang magagaling. Ngayon, ating tatalakayin ang mga ilang propesihiya na pumalpak at mga pangyayari sa kasaysayan na inakala ng iba na siya na ngang katapusan ng daigdig. Nagkataon naman na ang pinagbabasehan nilang pagbabago sa kalawakan ay nagkaroon ng kaugnayan sa earth sa paraang negatibo. Sa loob ng pag-aaral sa mahigit 600 taon, ang teorya sa Saturn’s Ring kaugnay pa ng ilang kaganapan sa kalawakan ay naging batas na ng ilang manghuhula gaya ni Nostradamus.   Eruption ng Mount Vesuvius - Noong 79 AD, pumutok ang naturang bulkan. Inakala ng iba na ito na ang katapusa...