Sa
wakas, unti-unti nang natutupad ang pangarap ni Filipino teen basketball
sensation na si Kai Sotto. Katunayan, pumayag siyang maglaro sa isang
Atlanta-based basketball squad sa Amerika na The Skill Factory (TSF). Kinumpirma mismo ito ni Kai, 16-anyos ang
kanyang pag-sang-ayon. Katunayan, naka-upload sa kanyang Youtube channel ang
agreement sa team, gayundin ang paglalaro sa pambansang koponan.
Ang
TSF ay isang samahan o organisasyon na naglilinang at nagbibigay ng pagkakataon
sa mga kabataan na paghusayin ang kakayahan sa paglalaro ng basketball at
volleyball. Sa oportunidad na dumating kay Sotto, 7’1 na makapaglaro sa TSF,
tiyak na magiging daan na rin ito para lumahok siya sa iba’t-ibang tournament.
Ikinagalak naman ng TSF na magiging bahagi ng kanilang squad ang
pinakamatangkad na teenager player ngayon sa Pilipinas, na dating naglaro sa
Ateneo Blue Eagles.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento