Lumaktaw sa pangunahing content

TRAIL BLAZERS, DINISKARIL NG PHILDELPHIA 76ER’S


Nagdiwang sina Philadelphia 76ers guard Furkan Korkmaz, (kanan), at Philadelphia 76ers forward Tobias Harris pagkatapos na maikamada ni  Korkmaz ang game winning basket kontra sa  Portland Trail Blazers  sa second half ng NBA basketball game sa Portland, Ore., Linggo, Nov. 3, 2019 ( PH time). Wagi ang 76ers sa iskor na 129-128. (AP Photo/Craig Mitchelldyer)
Bumida si Furnan Korkmaz sa pagtikada ng tres, may 0.4 segundo na lang ang natitira sa game clock, dahilan upang maungusan ng Philadelphia 76er’s ang Portland Trail Blazers, 129-128. Ito na ang ikalaling sunod na panalo ng Sixers ngayong season at kasalukuyang nangunguna sa standings sa Eastern Conference na may record na 5-0.

Bago ang pamatay na tres ni Korkmaz, bumuslo si Anfernee Simons ng tres, may 2.2 seconds na lang ang nalalabi sa game clock, kung saan lamang ang Portland ng 128-126. Subalit, nasilat ito nang maka-shoot si Korkmaz ng tres mula sa 24-footer. Hindi naman nakapaglaro sa Sixer si big man Joel Embiid dahil sa suspensyong ipinataw ng liga dahil sa kumusyon kay Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves, kung saan nagwagi ang una, 117-95.
Nagdagdag naman si Al Horford ng 25 points sa Sixers samantalang pinangunahan ni Damian Lillard ang opensa ng Portland sa pagtatala ng 33 points, kung saan 8 rito ay mula sa tres at 19 sa kabuuan ng team.
Narito ang iba pang resulta ng laro sa buong liga kahapon, November 3, 3019
 BUCKS 115, RAPTORS 105
 Binuhat ni “The Greek Freak” Giannis Antetokounmpo ang Milwaukee Bucks sa pagkamada ng 36 points, 15 rebounds at 8 assists sa pagsuwag sa Toronto Raptors, 115-105. Nagdagdag naman si Eric Bledsoe ng 14 points, 5 assists at sina Khris Middleton at Brook Lopez na nagtala ng tig 11 puntos. Samantala, nagtala naman ng season-high na 36 points si Kyle Lowry at Pascal Sikama ng 16 para sa Raptors.


PISTONS 113, NETS 109
SUNS 114, GRIZZLIES 105

HORNETS 93, WARRIORS 87
NUGGETS 91, MAGIC 87
TIMBERWOLVES 131, WIZARDS 109
THUNDER 115, PELICANS 104

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG REAL-LIFE HANAMICHI SAKURAGI

Marahil batid ng ilan sa atin lalo na ang mga basketball fans kung sino si Hanamichi Sakuragi . Siya lang naman ang pinakabida sa basketball anime na Slam Dunk . Siya ang pinakasikat sa Shohoku Team at tinaguriang ‘ Henyo’ at ‘Hari ng Rebound’ .  Kung lilimiing mabuti, maaasahan talaga sa rebound si Sakuragi at magaling din sa depensa. Kapag umopensa naman, siguradong highlights ito dahil ang lupit niyang dumakdak. Pero,alam ba ninyo na ang naturang cartoon character ay talagang umiral sa tunay na buhay.Isang totoong persona. Dahil ang pangalang Hanamichi Sakuragi ay talagang eksistido.   Nang gawing anime ang kanyang buhay ay iniba ang ilan sa mga pangyayari sa kanyang talambuhay. Ang Sakuragi sa tunay na buhay ay ipinanganak sa bansang Japan noong taong 1968 na mula sa simpleng pamilya lamang. Ang kanyang nanay ay pumanaw noong siya’y musmos pa lang. At dahil sa kinalakihan niya na walang kinagisnang ina, nasabak sa basag-ulo si Sakuragi upang may mapagbuhusan ng sa

JAKE, ANG TAONG KALAHATING TAO, KALAHATING BUWAYA

Kagila-gilalas na inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan kuno sa isang kakatwang nilalang. Ito kasi ay kalahating-tao at kalahating buwaya. Ito ay may mukha ng tao at may katawan ng tao. Ngunit, pagdating sa ibaba, o kalahati nito, ay gaya ng katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon. Ito ay may habang 8 na talampakan ayon kay Dr. Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist na gumugol na ng 48 taon sa naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp kasama ang 6 sa kanyang six graduate students. Katulad aniya ito kay “Jake The Alligator Man” sa Longbeach, WA. Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga Natchez Indians ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe. Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon ay

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply