Bilang
pagbibigay ng break sa mga musikero’t indie artists, isang proyekto ang inilunsad
ng Guitarista Productions ni Margot Cabernet. Ito ay ang ‘Push Mo Yan Unplugged, Bazaar For A Cause!:‘Kalsada Sessions’ o
street jam sa Capiz St.,katabi ng barangay hall ng Sto. Cristo,Quezon City.
Sina Jay-jay Chua, Ron Calleja, Raven Biason ng Zionchillers at Rex Merca habang nagsa-sound tsek sa ' Kalsada Sessions".
Bilang
unang bahagi ng nasabing produksyon, tumugtog sa Saturday session ang mga indie
artists na sina Rex Merca, Ron Calleja, Jay-jay Chua at sina Raven at Julius
Caesar Gajasan ng Zionchillers. Sila ay sumalang noong Sabado, Nobyembre 23,
2019.Sinundad naman
ito ng Jaojao and Friends at Alice Ismael kahapon, November 24.
Si Guitarista Productions head Margot Cabernet kasama ang mga makukulit at kalog na sessionistas.
Ang Kalsada
Sessions ay bahagi lamang ng entertainment sa bazaar sa proyekto ng barangay na
1st Grand Christmas Bazaar na kinapapalooban ng sale, tiange at foos
stalls. Layun ng proyekto na makalikom ng pondo para sa mga breast cancer
patients na proyekto ni Kap. Mac Navarro at ng Council.
(From Left To Right): Julius Caesar Gajasan at Ravenson Biason ng Zionchillers, Jay-jay Chua, Ron Calleja, Mam Kat Rina, Margot Cabernet at Rex Merca sa street Bazaar.
Bukod dito, malaking tulong
rin ang bazaar sa exposure ng mga musikero, partikular sa mga indie artists
dahil maaari nilang tugtugin o kantahin ang kanilang mga original songs. Kaya
naman, nagpapasalamat ang Guitarista Production sa kinauukulan kabilang sina
Brgy. Chairman Navarro, Kagawad Niel at Katrina Dingco dahil sa ibinigay na oportunidad.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento