Lumaktaw sa pangunahing content

NAGSISISI BA ANG DIYOS?


( Photo drawn by Bible artist Guztav Dore)

Gaya ng Panginoong Diyos, ipinagdaramdam ng propetang si Samuel ang hindi pagtalima ni Saul sa kautusan at tipan.

May ilang taong nagpapahayag na nagsisi raw ang Panginoong Diyos. May ilang tala raw sa BIblia na mababasa na nagsisisi ang Diyos dahil sa resulta ng kanyang ginawa.

Pinagdidiinan ng mga pilosopong mga atheist na nagsisisi raw ang Diyos kahit ito’y makapangyarihan sa lahat. Isinasangkalan nila ang ilang talata sa Biblia na katunayan daw ay nagsisisi ang Diyos. Marahil isipin ng ilan, nagsisisi nga ba ang Diyos? Ibig sabihin ma niyan ay maaari siyang magkamali?

Hindi po. Pag-aralan natin ang mga ebidensiya kuno nila  na walang ginawang magaling kundi ituring ang kanilang budhi na diyos. Ano ang mga tala sa Biblia na puweba kuno nila?

Isinasangkalan nila ang talatang 6:6-7 ng aklat ng Genesis na ganito ang nakasaad: “Sabi ng Panginoon, aking lilipulin ang tao na aking nilikha sa ibabaw ng lupa, gayundin ang mga hayop sa parang at ang mga umuusad, at ang lahat ng mga lumilipad sa himpapawid. Sapagkat, Aking pinagsisihan na Aking nilalang sila.”

Isa pang bala nila ay ang kasaysayan ng haring si Saul na nagsisisi raw ang Diyos dahil sa nagkamali siya sa pagpili rito upang maging hari sa bayang Israel (I Samuel 15:11). Kasi, hindi taos-pusong tumalima si Saul sa utos ng Diyos na isinabibig kay propeta Samuel. Dapat ay lipulin lahat ng mga Amalecita pati ang mga hayop nila.

Ito ay bilang pagganti dahil sinaktan noon ng mga Amalecita ang bayang Israel sa pangunguna noon ni propeta Moises nang dumaan sila sa teritoryo ng mga ito. Sinaktan nila ang Israel nang walang dahilan. Sa halip, itinira ni Saul ang pinakamainam sa mga hayop gaya ng tupa, baka at mga asno. Pati ang hari ng Amalecita na si Agag ay pinanghinayangan niyang patayin. Nakapuntos kaya sila rito o supalpal?

Supla po. Walang talata sa Biblia kang mababasa na nagsisisi ang Diyos. Ni hindi mo maatim na mayroong isang Diyos na nagsisisi. Ano pa’t naging Diyos Siya kung nagkakamali rin pala Siya’t pumapalpak. Hindi po ganun ang tunay na Diyos. Kung mayroon man talatang mababasa sa Biblia na nagsisisi ang Diyos, iyon ay isang pagmamalabis, pag-iiba ng tala. Ito ay dahil sa maling salin ng Biblia.

E, ano kung gayun angt amang salin? Sigurado bang gayun ang tama ang salin na iyon? Batay sa pag-aaral ng mga Bible scholars sa mga orihinal na manukristo ng talatang 6:6-7 ng Genesis at 15:11 ay salitang Hebrew o Aramaic na “Teshuvah”. Ang salitang ay katumbas sa salitang English nito ay   “grieve at repentant”. Sa salitang Filipino o Tagalog ay “Nagdamdam o Nalungkot” ang kasingkaluhulugan nito. Ano ang isang salin sa Biblia na ginamit ang orihinal na salitang ginamit sa manukristo ng aklat ng Genesis?

Ang saling King James Version ng Biblia ay gumamit ng orihinal na salitang Teshuva nang isalin sa wikang English noong ika-17 siglo ang talatang Genesis 6:6-7 at I Samuel 15:11. Ganito ang salin:
And it repented the LORD that he had made man on the earth, and it 1grieve him at his heart”.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

BAKIT MAHABA ANG BUHAY NG MGA PATRIYARKA?

Pagkatapos ng Bahang Gunaw, si Noe (600 taon ) ay nabuhay pa ng 350 taon. Sa edad na 950 taon ay namatay na siya (Genesis 9: 29). Muli, may nagtatanong na ilan, bakit mahaba ang buhay ng mga sinaunang tao, lalo na ang mga patriyarka na nakasaad sa Biblia na lubhang imposible nang maarok at hidi aakalaing maaabot nila ang gayung napakahabang taon na nabuhay sa lupa . Na ang kanilang buhay ay kulang-kulang o halos 1000 taon nang sila’y mamatay. I-halimbawa natin ang unang lalaking nabuhay na si Adan. Siya ay pumanaw sa edad na 930 taon ( Genesis 5:4) . Si Matusalem, na naitala na siyang pinakamatandang nilalang na nabuhay sa edad na 969 taon ( Genesis 5: 27 ) at maging si Noe ay nabuhay hanggang 950 taon ( Genesis 9:29). Mantakin na lang halimbawa kung ilang pelikula pa ang mapapanood nila, o kaya’y magiging asawa, anak, inapo, presidenteng maabutan, at ilang kaganapan sa kasaysayan ang kanilang masasaksihan. Pero, sa panahon ngayon, kapag umabot ka ng 65 o kaya’y 70, m...

PYRAMID OF EGYPT, GAWA BA NG MGA ALIEN?

Sadyang nakakamanghang ang mga piramide sa Egipto kapag pinagmasdan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng bansa. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon. Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist, na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat   ni Zecharia Sitchin . Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, 'The Greatest Show on Earth' ay ipinahayag na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids. Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na mga alien--- na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong Enero 17, 2010 Egypt Tour. Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila ...