Portsmouth, England - Malungkot na inihayag ng 22-anyos na bebot na estudyante sa Portsmouth na siya’y hirap sa kanyang ninanansang healthy diet dahil siya’y talagang takot sa gulay. Si Vicki Laarieux ay nangangatal na sa takot kapag nakita ng gulay. Aniya, talagang uuvbra lang sa kanya ang pagkain ng karne (meat) patatas, cereals, at occasional apples. Ngunit, ayaw kumain ng carrot kahit maliit na hiwa lamang sa kanyang dinner plate. Aniya, sa gulay na ito siya may matinding phobia. Siya’y nagdurusa sa kanyang kakatwang kondisyon na kilala sa tawag na lachanophobia na kung saan ay nagdudulot ng matinding pamamawis at inaatake ng panic. “Sadyang ako’y may kakatwang takot sa gulay kahit noong ako’y bata pa. Manaka-naka lang akong kumakain nun gaya ng maliit na hiwa ng carrot o kahit ilang piraso lang ng peas sa aking pinggan. Ang takot ko sa celery ay lumubha pa noong ako’y lumaki na at hindi ko ninais na hindi kumain talaga ng gulay. Kaya lang, talagang natatakot ako rito