Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

‘KALSADA SESSIONS’ SA BRGY STO. CRISTO STREET BAZAAR

Bilang pagbibigay ng break sa mga musikero’t indie artists, isang proyekto ang inilunsad ng Guitarista Productions ni Margot Cabernet. Ito ay ang ‘Push Mo Yan Unplugged, Bazaar For A Cause!: ‘Kalsada Sessions’ o street jam sa Capiz St.,katabi ng barangay hall ng Sto. Cristo,Quezon City.  Sina Jay-jay Chua, Ron Calleja, Raven Biason ng Zionchillers at Rex Merca habang nagsa-sound tsek sa ' Kalsada Sessions". Bilang unang bahagi ng nasabing produksyon, tumugtog sa Saturday session ang mga indie artists na sina Rex Merca, Ron Calleja, Jay-jay Chua at sina Raven at Julius Caesar Gajasan ng Zionchillers. Sila ay sumalang noong Sabado, Nobyembre 23, 2019. Sinundad naman ito ng Jaojao and Friends at Alice Ismael kahapon, November 24.   Si Guitarista Productions head Margot Cabernet kasama ang mga makukulit at kalog na sessionistas.            Ang Kalsada Sessions ay bahagi lamang ng entertainment sa bazaar sa proyekto ng barangay na 1 st Grand Christmas Bazaar

TONY PARKER, HINANDUGAN NG JERSEY-RETIREMENT NG SPURS

SAN ANTONIO  – Memorable kay dating San Antonio Spurs star guard Tony Parker ang pagpupugay na ginawa sa kanya sa AT&T Center. Hinandugan kasi ng jersey-retirement ceremony ang No. 9 jersey ni Parker sa harap ng mga manonood sa laro kalaban ang Memphis Grizzlies.  Ito ay bilang pasasalamat na rin sa naging ambag ni Parker at pagiging bahagi ng 4 na championship ring sa loob ng 17 taong paglalaro sa Spurs. Sa harap ng fans, masayang pinirmahan ng French cager ang mga litrato niya na dala-dala nila, kasabay ng sigawan na “ Merci Tony”.  Bagama’t natalo sa Memphis, 113-109, naging masaya naman ang crowd sa isinagawang seremonya.  “ We all knew the day was going to come, so it’s not a surprise,” pahayag ni Spurs coach Gregg Popovich. “ It will be a festive occasion when we all get to thank him after the game. He certainly deserves it. We’ll bid him bon voyage, and he’ll live the rest of his life. He’s got a lot ahead of him .” Ang jersey retirement ni Parker ay pangsampu

KAI SOTTO, NAGLARO SA ISANG BASKETBALL SQUAD SA ATLANTA

Sa wakas, unti-unti nang natutupad ang pangarap ni Filipino teen basketball sensation na si Kai Sotto. Katunayan, pumayag siyang maglaro sa isang Atlanta-based basketball squad sa Amerika na The Skill Factory (TSF).   Kinumpirma mismo ito ni Kai, 16-anyos ang kanyang pag-sang-ayon. Katunayan, naka-upload sa kanyang Youtube channel ang agreement sa team, gayundin ang paglalaro sa pambansang koponan. Ang TSF ay isang samahan o organisasyon na naglilinang at nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na paghusayin ang kakayahan sa paglalaro ng basketball at volleyball. Sa oportunidad na dumating kay Sotto, 7’1 na makapaglaro sa TSF, tiyak na magiging daan na rin ito para lumahok siya sa iba’t-ibang tournament. Ikinagalak naman ng TSF na magiging bahagi ng kanilang squad ang pinakamatangkad na teenager player ngayon sa Pilipinas, na dating naglaro sa Ateneo Blue Eagles.

MEMPHIS GRIZZLIES, BINALDA NG DALLAS MAVERICKS

Mula sa nakakadismayang pagkatalo noong Sabado sa New York Knicks, 106-102 sa mismong home court nila, nakabawi ang Dallas Mavericks (6-3) sa isang nakaw na panalo sa Memphis Grizzlies (2-7), 138-122 mula sa 16-6 run sa Fedex Forum. Nanguna sa panalo ng Mavericks ang 20-anyos sophomore star Luka Doncic sa pagkamada ng 24 puntos, 14 rebounds, 8 assists at 2 steals. Nag-ambag naman ang mga kakampi niyang sina Tim Hardaway Jr. ng 20 points. Samantala, nanguna naman para sa Memphis si Jaren Jackson Jr. na may 23 puntos. Sa first quarter ay nangangapa pa ang Dallas sa laro at nakalalamang pa ang Memphis. Subalit, pagsapit ng second quarter, doon na nakasabay ang Mavericks at lumamang pa sa Grizzlies. Mula third hanggang fourth quarter, iniwanan na ng tropa ni coach Rick Carlisle ang Memphis at di pinababa ang lamang sa 14 points. Sa iba pang laro, bagama’t nagwagi sa San Antonio Spurs, 135-115, hindi naman maganda ang nangyari kay Boston Celtics forward Gordon Hayward. Nagtamo

NAGSISISI BA ANG DIYOS?

( Photo drawn by Bible artist Guztav Dore) Gaya ng Panginoong Diyos, ipinagdaramdam ng propetang si Samuel ang hindi pagtalima ni Saul sa kautusan at tipan. May ilang taong nagpapahayag na nagsisi raw ang Panginoong Diyos . May ilang tala raw sa BIblia na mababasa na nagsisisi ang Diyos dahil sa resulta ng kanyang ginawa. Pinagdidiinan ng mga pilosopong mga atheist na nagsisisi raw ang Diyos kahit ito’y makapangyarihan sa lahat. Isinasangkalan nila ang ilang talata sa Biblia na katunayan daw ay nagsisisi ang Diyos. Marahil isipin ng ilan, nagsisisi nga ba ang Diyos? Ibig sabihin ma niyan ay maaari siyang magkamali? Hindi po. Pag-aralan natin ang mga ebidensiya kuno nila  na walang ginawang magaling kundi ituring ang kanilang budhi na diyos. Ano ang mga tala sa Biblia na puweba kuno nila? Isinasangkalan nila ang talatang 6:6-7 ng aklat ng Genesis na ganito ang nakasaad: “Sabi ng Panginoon, aking lilipulin ang tao na aking nilikha sa ibabaw ng lupa, gayundin

TRAIL BLAZERS, DINISKARIL NG PHILDELPHIA 76ER’S

Nagdiwang sina Philadelphia 76ers guard Furkan Korkmaz, (kanan), at Philadelphia 76ers forward Tobias Harris pagkatapos na maikamada ni  Korkmaz ang game winning basket kontra sa  Portland Trail Blazers  sa second half ng NBA basketball game sa Portland, Ore., Linggo, Nov. 3, 2019 ( PH time). Wagi ang 76ers sa iskor na 129-128. (AP Photo/Craig Mitchelldyer) Bumida si Furnan Korkmaz sa pagtikada ng tres, may 0.4 segundo na lang ang natitira sa game clock, dahilan upang maungusan ng Philadelphia 76er’s ang Portland Trail Blazers, 129-128. Ito na ang ikalaling sunod na panalo ng Sixers ngayong season at kasalukuyang nangunguna sa standings sa Eastern Conference na may record na 5-0. Bago ang pamatay na tres ni Korkmaz, bumuslo si Anfernee Simons ng tres, may 2.2 seconds na lang ang nalalabi sa game clock, kung saan lamang ang Portland ng 128-126. Subalit, nasilat ito nang maka-shoot si Korkmaz ng tres mula sa 24-footer. Hindi naman nakapaglaro sa Sixer si big man Joel Embii

LOS ANGELES CLIPPERS, PANALO SA CHARLOTTE HORNETS

Sinubukang pigilan at sa inirektang double team bilang depensa ni Charlotte Hornets center Bismack Biyombo ( 8) at guard Malik Monk (1) sa ginawang salaksak at pagtangkang makabuslo ni Los Angeles Clippers forward Kawhi Leonard (2)  sa tagpong ito sa first half ng kanilang laro sa Staples Center. [ Photo Credit: Jayne Kamin-Oncea-USA TODAY Sports] Los Angeles, California--- Sa kanilang pagdayo sa Los Angeles, nabigo ang Charlotte Hornets sa Lakers, 120-101 noong Lunes. Sa kanilang pagharap naman sa Los Angeles   Clippers, muli na naman silang nakalasap ng pagkabigo sa iskor na 111-96. Bumida sa panalo ng Clippers si Kawhi Leonard na bumuslo ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists at Lou Williams na kumamada ng 23 puntos, isang araw pagkatapos ipagdiwang ang kanyang ika-33 taong kaarawan. Tumulong rin kina Leonard at Williams sina Montrezl Harrell na nagtala ng 19 puntos at   Landry Shamet ng 16. Bumawi ang tropa ni coach Doc Rivers mula sa pagkatalo sa Phoenix Suns, 130-122

PALIKURAN, GINAWANG KUMPISALAN

Gumma, Japan - Karaniwang ang palikuran ay ginawa para doon tayo magbawas kapag tinatawag ng kalikasan. Ngunit, sa naturang pook ay may isang templo roon na tinatawag na Mantokuji, ang mga unhappy wives ay nagtipon-tipon doon para i- flush nila ang kanilang prustrasyon sa inidoro sa loob mismo ng templo. Ito ay tinatawag nilang ‘Holy Toilets ’. Bawal nga lang dito ang magpopo o umihi. May ibang CR naman doon na kapag sinumpong ka ng pagbabawas, doon mo gawin. Ang ganitong gimik ay ginagawa noon ng mga babaeng binantaang hihiwalayan o kaya’y ididiborsiyo ng kanilang mga asawa. Kaysa sa isipin nilang magpatiwakal dahil sa nadaramang panlulumo at galit, pumupunta sila sa templo. At gaya ng duming idinespatsa sa inidoro, doon ay magsasagawa ng isang panalangin ang isang babae. At pagkatapos noon ay ipa-flush niya ang inilagay na paninibugho’t galit sa inidoro para mawala ang sakit na nararamdaman. Ngayon, ang holy toilets ay pareho nang pinupuntahan ng babae’t lalake hindi l

SPIRAL ISLAND, ISLANG YARI SA PLASTIC

Isla Mujeres, Mexico -Karaniwang lupa ang kayarian ng isang isla. Subalit, kapag ang isang isla ay gawa sa ibang kayarian, halimbawa ng artipisyal na gawa sa boteng plastic, ito ay masasabing kakatwa. Si Eco- pioneer Richard “Rishi” Sowa ay nag-disenyo ay gumawa ng isang uri ng naturang isla na lumulutang. Ito ay gawa sa 100,000 plastic bottles ng softdrinks at mineral water. Tinatawag ito ngayon na Spiral Island II. May nauna kasing ginawa na artipisyal na isla ang kelot kung kaya pangalawa na ang naturang isla na kanyang ginawa. Ginawa niya ang unang spiral island noong taong 1988 malapit na Puerto Aventuras na gamit ang 250,000 libong plastic bottles upang manatili itong nakalutang. Sa kasawiang palad, ang Spiral Island I ay nasira noong taong 2005 nang salantahin ito ng hurricane Emily na dumaan sa naturang area. Kung kaya nagpasya uli si Sowa na gumawa ng panibago nito nang makitang nagkalat sa dalampasigan ang mga plastic na botelya na nakalutang. Inilagay niya ang

ESCREZZA

Nitong nakalipas na buwan, nagkaroon ng event ang Lila Blanca band sa isang malaking mall. Maraming banda at mang-aawit ang nabigyang daan upang itanghal ang kanilang mga piyesa. Kasama na rito ang duo act na ‘Escrezza’, na pinangungunahan ni  Escreo Cruz   (isang manunulat ng awit) at Si   Ezza Eras   (ang bokalista). Sa maikling panahon ay nagsunod-sunod na ang kanilang mga gigs at pagganap sa indie scene. Noong nakaraang October 4, 2019, opisyal na nailabas ang kanilang awiting pinamagatang "Ever". Ang kanta ay tungkol sa isang babae na nakakulong lang sa kalungkutan, hanggang sa may nakapagpasaya sa kanya at naging masaya sila. Ang tunog nito ay isinaayos ni Vonjamar Fetalino at Nolit Abanilla . Matapos ng kantang Ever, susundan ito ng kanta nilang "Kasalukuyan", (malapit na ding ilabas). Bigkis sa awiting ito bilang mga instrumentalist ang Bololato Brothers na sina Jojo, Tam-Tam at Bal. Abangan natin ang kanilang mga awitin, live performances at mus

LOS ANGELES CLIPPERS, TUSTA SA PHOENIX SUNS

Ginulantang ng Phoenix Suns ang basketball fans sa pambihirang perpormans ng koponan nang tustahin nito ang malakas na Los Angeles Clippers 130-122. Kagagaling lang ng pagkatalo ng Suns sa Denver Nuggets, pero nakaresbak ito ng panalo sa tropa ni coach Doc Rivers. Nanguna sa panalo ng Phoenix si Devin Booker na nagtala ng 30 points. Nagdagdag naman si Kelly Oubre ng 20. Ang panalo ng Suns sa Clippers (2-1) ay nagputol din ng 12-game losing streak nila rito sa loob ng mahigit tatlong taon. Nagawa ito ng Phoenix (2-1) sa kabila na hindi naglaaro si FIBA World Cup basketball MVP Ricky Rubio at Deandre Ayton na suspendisdo ng 25 laro dahil sa nagpositibo sa diuretic. "It feels amazing," saad ni Oubre. "Everybody chipped in. We fought through adversity once again, we're finding who we are and we're continuing to grow. That's the most beautiful thing about it." "The fight was really evident tonight," pahayag ni Suns coach Monty Williams.

KAGANDAHANG TINADTAD NG BALA

  Mata Hari . Ating tatalakayin muna ngayon ang tungkol sa mga babaeng espiya na ginamit ang kanilang alindog upang mapalakas ang opensiba at malalan ang galaw ng     mga kalaban. Narito ang ilan sa kanila na kilala sa kasaysayan. Isabella Marie Boyd (Mayo 9, 1844- Hunyo 11, 1900) Nancy Wake ng Pransiya - (Agosto 30, 1912),  Margaret Kemble Cage ng New Jersey  (1734-1824 ),   Josephine Baker ,   ( June 3, 1906 – April 12, 1975 ), Knor Inayat Khan, ng India (  Enero 1, 1914- Setyembre 13, 1944 ), Anna Chapman, ng Russia  (Pebrero 23, 1982). Violette Zhabo ng Pransiya  (Hunyo 26, 1921- Pebrero 5, 1945),  Liu Luhan ng China  (1932-1947),  Charlotte de Sauve ng Pransiya  ( c 1551- Setyembre 30 1617). Pero, ang pinakatampok sa kanila ay ang bebot na si   Margaretha Geertruida "Grietje" Zelle ,  na kilala sa bansag na    Mata Hari. Sadyang pinapantasya ng mga kelot ang naturang babae at kinaiingitan ng tulad niyang kabaro ni Eva. Ipinanganak sa Leeuwarden noong

MGA PANGYAYARI SA DAIGDIG NOONG PANAHON NI ABRAHAM

Ayon sa mga historyador, si Abraham ay nabuhay sa panahon na ang bansang Ehipto ang siyang Kapangyarihang Pandaigdig hanggang sa pabagsakin ito ng mga Hiksos o mga Haring pastol 60 taon bago siya mamatay. Maaaring ang mga pinakatampok na pangyayari sa daigdig noong mga panahon ni Abraham ay sa pagitan ng ika-1900 hanggang 2000 dantaon B.C o sa simula at pagwawakas ng siglong iyon. (papalo sa 1900 B.C hanggang 1837 B.C.) Ang ilang nakatalang petsa ay pagtatantiya lamang kung kailan nangyari ang mga naturang kaganapan. Ang iba naman ay di tiyak kung kailan ang saktong petsa. Ngunit, ang ilan ay sinasabi ng iskolar na tumpak.   Narito ang ilan sa mga pangyayari. -      Noong ika-19 siglo (o 1800 B.C) o mga 2000 taon bago isilang ang Panginoong Hesukristo, nagsimula ang Iron Age sa China pagkatapos ng Bronze Age. Ang emperor na si Yu ay namuno sa China noong 2205 B.C at nagpasiluna ng dinastiyang Xia. Namamayapag ang naturang dinastiya Xia mula 2205 hanggang 1766 B.C.