Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2019

LOS ANGELES CLIPPERS, PANALO SA CHARLOTTE HORNETS

Sinubukang pigilan at sa inirektang double team bilang depensa ni Charlotte Hornets center Bismack Biyombo ( 8) at guard Malik Monk (1) sa ginawang salaksak at pagtangkang makabuslo ni Los Angeles Clippers forward Kawhi Leonard (2)  sa tagpong ito sa first half ng kanilang laro sa Staples Center. [ Photo Credit: Jayne Kamin-Oncea-USA TODAY Sports] Los Angeles, California--- Sa kanilang pagdayo sa Los Angeles, nabigo ang Charlotte Hornets sa Lakers, 120-101 noong Lunes. Sa kanilang pagharap naman sa Los Angeles   Clippers, muli na naman silang nakalasap ng pagkabigo sa iskor na 111-96. Bumida sa panalo ng Clippers si Kawhi Leonard na bumuslo ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists at Lou Williams na kumamada ng 23 puntos, isang araw pagkatapos ipagdiwang ang kanyang ika-33 taong kaarawan. Tumulong rin kina Leonard at Williams sina Montrezl Harrell na nagtala ng 19 puntos at   Landry Shamet ng 16. Bumawi ang tropa ni coach Doc Rivers mula sa pagkatalo sa Phoenix Suns, 130-122

PALIKURAN, GINAWANG KUMPISALAN

Gumma, Japan - Karaniwang ang palikuran ay ginawa para doon tayo magbawas kapag tinatawag ng kalikasan. Ngunit, sa naturang pook ay may isang templo roon na tinatawag na Mantokuji, ang mga unhappy wives ay nagtipon-tipon doon para i- flush nila ang kanilang prustrasyon sa inidoro sa loob mismo ng templo. Ito ay tinatawag nilang ‘Holy Toilets ’. Bawal nga lang dito ang magpopo o umihi. May ibang CR naman doon na kapag sinumpong ka ng pagbabawas, doon mo gawin. Ang ganitong gimik ay ginagawa noon ng mga babaeng binantaang hihiwalayan o kaya’y ididiborsiyo ng kanilang mga asawa. Kaysa sa isipin nilang magpatiwakal dahil sa nadaramang panlulumo at galit, pumupunta sila sa templo. At gaya ng duming idinespatsa sa inidoro, doon ay magsasagawa ng isang panalangin ang isang babae. At pagkatapos noon ay ipa-flush niya ang inilagay na paninibugho’t galit sa inidoro para mawala ang sakit na nararamdaman. Ngayon, ang holy toilets ay pareho nang pinupuntahan ng babae’t lalake hindi l

SPIRAL ISLAND, ISLANG YARI SA PLASTIC

Isla Mujeres, Mexico -Karaniwang lupa ang kayarian ng isang isla. Subalit, kapag ang isang isla ay gawa sa ibang kayarian, halimbawa ng artipisyal na gawa sa boteng plastic, ito ay masasabing kakatwa. Si Eco- pioneer Richard “Rishi” Sowa ay nag-disenyo ay gumawa ng isang uri ng naturang isla na lumulutang. Ito ay gawa sa 100,000 plastic bottles ng softdrinks at mineral water. Tinatawag ito ngayon na Spiral Island II. May nauna kasing ginawa na artipisyal na isla ang kelot kung kaya pangalawa na ang naturang isla na kanyang ginawa. Ginawa niya ang unang spiral island noong taong 1988 malapit na Puerto Aventuras na gamit ang 250,000 libong plastic bottles upang manatili itong nakalutang. Sa kasawiang palad, ang Spiral Island I ay nasira noong taong 2005 nang salantahin ito ng hurricane Emily na dumaan sa naturang area. Kung kaya nagpasya uli si Sowa na gumawa ng panibago nito nang makitang nagkalat sa dalampasigan ang mga plastic na botelya na nakalutang. Inilagay niya ang

ESCREZZA

Nitong nakalipas na buwan, nagkaroon ng event ang Lila Blanca band sa isang malaking mall. Maraming banda at mang-aawit ang nabigyang daan upang itanghal ang kanilang mga piyesa. Kasama na rito ang duo act na ‘Escrezza’, na pinangungunahan ni  Escreo Cruz   (isang manunulat ng awit) at Si   Ezza Eras   (ang bokalista). Sa maikling panahon ay nagsunod-sunod na ang kanilang mga gigs at pagganap sa indie scene. Noong nakaraang October 4, 2019, opisyal na nailabas ang kanilang awiting pinamagatang "Ever". Ang kanta ay tungkol sa isang babae na nakakulong lang sa kalungkutan, hanggang sa may nakapagpasaya sa kanya at naging masaya sila. Ang tunog nito ay isinaayos ni Vonjamar Fetalino at Nolit Abanilla . Matapos ng kantang Ever, susundan ito ng kanta nilang "Kasalukuyan", (malapit na ding ilabas). Bigkis sa awiting ito bilang mga instrumentalist ang Bololato Brothers na sina Jojo, Tam-Tam at Bal. Abangan natin ang kanilang mga awitin, live performances at mus

LOS ANGELES CLIPPERS, TUSTA SA PHOENIX SUNS

Ginulantang ng Phoenix Suns ang basketball fans sa pambihirang perpormans ng koponan nang tustahin nito ang malakas na Los Angeles Clippers 130-122. Kagagaling lang ng pagkatalo ng Suns sa Denver Nuggets, pero nakaresbak ito ng panalo sa tropa ni coach Doc Rivers. Nanguna sa panalo ng Phoenix si Devin Booker na nagtala ng 30 points. Nagdagdag naman si Kelly Oubre ng 20. Ang panalo ng Suns sa Clippers (2-1) ay nagputol din ng 12-game losing streak nila rito sa loob ng mahigit tatlong taon. Nagawa ito ng Phoenix (2-1) sa kabila na hindi naglaaro si FIBA World Cup basketball MVP Ricky Rubio at Deandre Ayton na suspendisdo ng 25 laro dahil sa nagpositibo sa diuretic. "It feels amazing," saad ni Oubre. "Everybody chipped in. We fought through adversity once again, we're finding who we are and we're continuing to grow. That's the most beautiful thing about it." "The fight was really evident tonight," pahayag ni Suns coach Monty Williams.

KAGANDAHANG TINADTAD NG BALA

  Mata Hari . Ating tatalakayin muna ngayon ang tungkol sa mga babaeng espiya na ginamit ang kanilang alindog upang mapalakas ang opensiba at malalan ang galaw ng     mga kalaban. Narito ang ilan sa kanila na kilala sa kasaysayan. Isabella Marie Boyd (Mayo 9, 1844- Hunyo 11, 1900) Nancy Wake ng Pransiya - (Agosto 30, 1912),  Margaret Kemble Cage ng New Jersey  (1734-1824 ),   Josephine Baker ,   ( June 3, 1906 – April 12, 1975 ), Knor Inayat Khan, ng India (  Enero 1, 1914- Setyembre 13, 1944 ), Anna Chapman, ng Russia  (Pebrero 23, 1982). Violette Zhabo ng Pransiya  (Hunyo 26, 1921- Pebrero 5, 1945),  Liu Luhan ng China  (1932-1947),  Charlotte de Sauve ng Pransiya  ( c 1551- Setyembre 30 1617). Pero, ang pinakatampok sa kanila ay ang bebot na si   Margaretha Geertruida "Grietje" Zelle ,  na kilala sa bansag na    Mata Hari. Sadyang pinapantasya ng mga kelot ang naturang babae at kinaiingitan ng tulad niyang kabaro ni Eva. Ipinanganak sa Leeuwarden noong

MGA PANGYAYARI SA DAIGDIG NOONG PANAHON NI ABRAHAM

Ayon sa mga historyador, si Abraham ay nabuhay sa panahon na ang bansang Ehipto ang siyang Kapangyarihang Pandaigdig hanggang sa pabagsakin ito ng mga Hiksos o mga Haring pastol 60 taon bago siya mamatay. Maaaring ang mga pinakatampok na pangyayari sa daigdig noong mga panahon ni Abraham ay sa pagitan ng ika-1900 hanggang 2000 dantaon B.C o sa simula at pagwawakas ng siglong iyon. (papalo sa 1900 B.C hanggang 1837 B.C.) Ang ilang nakatalang petsa ay pagtatantiya lamang kung kailan nangyari ang mga naturang kaganapan. Ang iba naman ay di tiyak kung kailan ang saktong petsa. Ngunit, ang ilan ay sinasabi ng iskolar na tumpak.   Narito ang ilan sa mga pangyayari. -      Noong ika-19 siglo (o 1800 B.C) o mga 2000 taon bago isilang ang Panginoong Hesukristo, nagsimula ang Iron Age sa China pagkatapos ng Bronze Age. Ang emperor na si Yu ay namuno sa China noong 2205 B.C at nagpasiluna ng dinastiyang Xia. Namamayapag ang naturang dinastiya Xia mula 2205 hanggang 1766 B.C.

DOG BREEDING, NEGOSYONG NALILIBANG KA NA, KUMIKITA KA PA

Kayo ba ay mahilig mag-alaga ng mga de-kalibreng lahi aso? Halimbawa ng pit bull saka Labrador. Tapos mahilig magparami at inaalagaan lang.  Sa halip na ipamigay sa kaibigan ang tuta ng babaeng Labrador, bakit di ibenta ito sa mga kakilala o nagnanais mag-alaga ng aso? Puwesto, kikita ka rito, kabayan. Kung interesado ka sa business na ‘to, alamin muna ang mga tuntunin at batas dahil may prosesong sinusunod dito gaya ng permiso. Kung walang permits at licensing or zoning requirements sa dog breeding, puwede mo nang simulan. Kung meron naman, kumuha ng permit. Sa ibang bansa kasi, halimbawang sa USA, may mga alituntuning sinusunod tungkol dito. Kung mayroon kang  alagang lalaking Labrador o Pitbull na kulay Brown tapos gustong magpalahi ng isang kakilala, okey na okey yan dahil tiyak na magbabayad siya sa iyo magkaroon lamang ng magandang breed ng aso. Kinakailangan sa isang Dog Breeder na komportable, malinis, at maaliwalas ang paligid ( Kulungan) ng kanyang mga al

PREDIKSYON NG MGA SPORTS ANALYST SA 2019- 2020 NBA SEASON

Ngayong araw na ang pagsisimula ng bagong NBA season. Kaya naman, kanya-kanyang opinson ang mga excited na mga fans kung ano ang magiging prediksyon nila sa takbo ng season at kung sinong mga koponan ang makapapasok sa 2020 NBA playoffs. Kahit na ang mga NBA players, mapanoon man at ngayon ay nagpahayag din kung anu-anong tram ang makapapasok. Nagpahayag ang ilang sports analyst at mga koentarista ng Sports Complex tungkol dito na sina Adam Caparell, Chops, Zion at Angel Diaz. Sa pinagsama-samang prediksyon nila, narito ang mga team na papalarin sa playoffs. Sa Eastern Conference, swak ang Milwaukee Bucks,Philadelphia 76er’s, Brooklyn Nets, Miami Heat, Toronto Raptors, Indiana Pacers, Boston Celtics at Detroit Pistons. Sa Western Conference naman, papasok anila ang Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Houston Rockets, Golden State Warriors, Dallas Mavericks, San Antonio Spurs at Utah Jazz. Rookie of the Year – Chopz:  Darius Garland  Adam Capare

BOKSINGERONG SINUBUKANG IBENTA ANG SILVER MEDAL NA NAPANALUNAN SA OLYMPICS

Pinoy pug Anthony Villanueva Kung inaakala n’yo na si Pinoy boxer Onyok Velasco at Pinay weighlifter Hidilyn Diaz ang naging markado at mga naunang nakapagbigay ng tansong medalya sa olympics, meron nang nauna sa kanila. Ito ay si Pinoy pug Anthony Villanueva, tubong Cabuyao, Laguna.  Hindi makakalimutan ng bansa ang karangalang ibinigay nito bilang kauna-unahang Pilipinong atletang nagbigay ng silver medal sa pinaka-prestiryosong palaro sa mundo. Nasungkit ni Villanueva ang medalyang pilak sa featherweight category sa 1964 Tokyo Olympics nang mabigo kay Stanislav Stepashkin ng Russia sa finals sa gahiblang iskor na 3-2. Pagkatapos ng kanyang stint, pumalaot sa pro boxing si Villanueva Subalit, hindi naging matagumpay. Sinubukan niya ring sumabak sa acting at sinubukang ang samu’t-saring  trabaho, kabilang ang pagiging cook, security guard at boxing coach.  Dumaan din siya sa mabigat na karamdaman, kabilang ang multiple strokes at ailments sa kanyang puso at bato ( kidney